April 19, 2025

KASO NG ASF, TUMAAS NITONG ABRIL

Dumarami ngayon ang kaso ng African Swine Fever (ASF) nitong Abril.

Ayon kay Department of Agriculture o DA Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa, sumipa sa 42 ang apektadong barangay.

Ito ay kung ihahambing noong March 14 na nasa 39 barangay mula sa 27 na bayan at lungsod ang may active cases ng ASF.

Kabilang sa pinakabagong naitalang ASF cases ay ang 42 barangay sa Bohol, Western Visayas, Eastern Visayas at CAR .

Pero ayon sa DA, walang dapat ikabahala ang publiko rito. (BG)