January 11, 2025

KASALANG BAYAN SA NAVOTAS CITYHOOD ANNIVERSARY

Masayang pinagmasdan ni Mayor John Rey Tiangco at mga opisyal ng pamahalaang lungsod ang pagpalitan ng mga mangako ng 39 mag-asawa sa ginanap na Kasalang Bayan noong June 24, bilang bahagi ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary festivities. Kabilang sa mga mag-asawang matagal nang magkasintahan ay sina Cirilo Arsenio, Jr. at Anabel Alcantara, na nagbahagi ng kanilang buhay sa loob ng 27 taon. (JUVY LUVERO)

NASA 39 mag-asawa ang nagpalitan ng mga pangako sa isang heartwarming celebration ng pagmamahal ginanap na Kasalang Bayan noong June 24, bilang bahagi ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary festivities.

Kabilang sa mga mag-asawang matagal nang magkasintahan ay sina Cirilo Arsenio, Jr. at Anabel Alcantara, na nagbahagi ng kanilang buhay sa loob ng 27 taon.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng pag-aasawa sa pagbuo ng matatag na pamilya at komunidad.

“Although some of you have been together for several years, and perhaps some of you already have children, keep in mind and take to heart the value of the sacrament of marriage,” saad ni Tiangco.

“Marriage strengthens your relationship. It binds your union and enables you to overcome any trials you might face together in the future,” dagdag niya.

Tiniyak din ni Tiangco sa mga mag-asawa ang tulong at suporta ng pamahalaang lungsod na ang lahat ng mga proyekto at programa ng lungsod ay nakatuon sa pagpapabuti ng hanap buhay ng bawat pamilyang Navoteño.

Hinikayat din niya ang mga bagong kasal na yakapin ang kanilang papel sa paghubog ng kinabukasan ng lungsod.

“Teach your children self-discipline, love for others, and respect for those around them. What you teach them and what they see in you will shape their character. So be a model and inspiration to your children. They are the next leaders of our city,” aniya.