GISING na at kumikikig pa ang tinaguriang ‘sleeping giant’ sa mundo.
Matagal na panahong nahimbing ang dragon dito sa kontinente ng Asia kung kaya napag-iwanan ito ng milya-milya ng mga bansang ‘tiger economists’ na namayagpag ang kabuhayan.
Dedma nga ang mga superpower na bansa sa naghihilik na Tsina kahit sa aspeto nang pakikidigma conventional man o unconventional.
Pero nang malingat ang dambuhalang dragon, di pa nakapagmumog ay arangkada agad ito upang humabol sa mga namamayagpag na bansa. Dahil sa laki ng hakbang sa pag-arangkada ay agad itong nakadikit sa lead pack ng superpowers at na-overtake pa ang ilang natunganga sa bilis ng momentum ng China.
Napag-iwanan na ang ibang mapuwersang bansa na nagkawatak-watak tulad ng kasaysayan na lang na USSR at ang pag-guho ng Berlin Wall kung kaya ay natira na lamang ang USA bilang superpower.
Unang pinayabong ng China ang ekonomiya at dahil sa bilyong populasyon nito ay naisakatuparan ang misyong maging higante sa kalakalan dahil sa dambuhalang manpower nito na lahat ay sumusunod sa dikta ng kanilang lider dahil sa disiplinang itinimo ng kanilang political system.
Lingid sa mata ng mundo, kasabay ng pag-ratsada ng ekonomiya ang build-up ng military arsenal nito kung saan ay puwede na itong makigiyera sa alinmang superpower sa mundo.
Sa panahon ng kanilang pagkagising ay pinasok naman ng demonyo ng kasakiman ang utak ng mga lider ng higanteng bansa.
Tulad din sila ng ordinaryong mortal na walang pagkakuntento sa buhay.
Ang China na nasa East Asia ay pangatlo sa may pinakamalaking land area sa daigdig.
Ito ay may land area na 9,597 million square kilometers kasunod ng Canada at USA.
Pero bakit kahit nasa kanila na ang malawak na lupain, hayun at nangangamkam pa sila ng maliliit na isla na lagpas sa kanilang teritoryo sa karagatan?
Nagtagumpay na nga sila nang makapagtayo ng istruktura sa West Philippine Sea dahil sa kapabayaan o katrayduran ng iilan sa nakaraang administrasyon kung saan mismong si Uncle Sam ay di ito naaksiyunan kaya nakamkam ang isla ni Juan.
Ngayon, akala ng China ay di na papalag ang Pilipinas dahil sa no-match ito kung sa giyera dadaanin kaya daan-daang militia boats ang ikinalat nito sa karagatang teritoryo natin na nagkukunwaring mga mangingisda.
Natural, di papayag ang kasalukuyang administrasyon kung kaya nagbabala ang ating depensa na lumayas ang trespassing na China at winawarningang ‘wag lalagpas sa teritoryo ayon sa law of the seas.
Naghain din ng diplomatikong protesta ang ating foreign affairs sa United Nations upang sumunod ang dambuhalang sakim sa masamang agresibo at asertibong hakbang na magiging mitsa ng digmaang pandaigdig pag di napigilan.
Ang kunwang pakikipagkaibigan ng China sa ‘Pinas pati na ang pag-ayuda sa ekonomiya ng bansa ay napalaki pala ng tubo sa kanilang pain na kabutihan.
Pero ang masamang tangka ay di magta-tagumpay nang ganun-ganon lamang.
Gumigiri na ang puwersa ng America na matagal nang ally ng Pilipinas.
Malaking katastropiya ang mangyayari kapag pinagpatuloy ng China ang kasakiman nito sa lupa sa ilalim ng araw.
Dahilan sa mga kapanalig nating lahi ay handang sumaklolo kontra mga singkit, posibleng ang Goliath ng China ay katapat lang ang David ng Pilipinas kung sa kuwentuhan lang dadaanin.
Mahabaging Langit, mas matindi pa sa pandemya ang ating sasapitin kapag di napigilang masindihan ang mitsa ng ikatlong digmaang pandaigdig.ITABOY ANG MGA DIYABLO!
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE