December 26, 2024

Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI

SINIMULAN na ng Lungsod ng Navotas ang kasiyahan sa nalalapit na kapaskuhan sa pamamagitan ng pagpapa-ilaw sa higanteng Christmas tree at fireworks display sa Navotas Citywalk at Amphitheatre.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang kanyang mga anak at iba pang opisyal ng lungsod, ang lighting ceremony, ribbon-cutting ng Navotas Christmas Bazaar, gayundin ang muling paglulunsad ng NavoConnect free Wi-Fi.

“Christmas is a time to celebrate family ties and relationships.  Every year, we make it a point to have our Christmas decorations colorful and fun. This is to encourage Navoteño families to spend time and bond with each other without the hassle of travel and extra spendings,” pahayag ni Mayor Tiangco.

“This year, our celebration centers on the theme, ‘NavoPasko: Konektado sa isa’t isa, all the way ang saya!’ We want to highlight the significance of connection and communication among families, friends, and members of our community,” dagdag niya.

Upang higit na bigyang-diin ang kahalagahan ng connectivity, muling inilunsad ng pamahalaang lungsod ang kanilang libreng serbisyo ng Wi-Fi na NavoConnect.

Ang programa ay nagbibigay-daan sa bawat gumagamit na ma-access ang libreng koneksyon sa internet sa loob ng 30 minuto araw-araw.

Ang Navotas Citywalk at Amphitheatre ay isa sa 38 wifi hotspots sa lungsod. Kabilang sa iba pang mga hotspot ang Navotas City Hall; Navotas Centennial Park at Greenzone Park; pampublikong pamilihan; ilang barangay hall, health center, at pampublikong paaralan.

Lahat ng wifi hotspot ay kayang tumanggap ng 250 user sa isang oras.

Samntala, tampok naman sa bazaar ang 34 Navoteño entrepreneurs na nagbebenta ng mga produktong pagkain, souvenir items, damit, accessories, at iba pa.

Ito ay bukas mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 22, 8AM – 12MN.

Ang Kadiwa ng Pangulo, na nagbebenta ng abot-kayang bigas at iba pang ani ay sasali rin sa bazaar sa Nobyembre 25-26