March 25, 2025

KARPINTERO PATAY SA BUGBOG NG KAPATID SA INUMAN

Patay ang isang 27-anyos na karpintero matapos bugbugin ng kanyang nakatatandang kapatid nang magkaroon ng pagtatalo habang nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay sa Area H, Gate 19, Brgy. 20, Parola Compound, Tondo, Manila.

Kilala ang biktima na si Niño Matito, habang arestado naman ang kanyang kapatid na si Nicolas Matito, 54.

Ayon kay Manila Police District -homicide section chief PCapt. Dennis Turla, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling araw.

Nag-iinuman ang magkapatid nang magkaroon ng mainit na argumento hanggang bugbugin ng nakatatandang Matito ang biktima.

Matapos mawalan ng malay ang biktima, isinugod siya ng kanyang kapamilya sa malapit na ospital na binawian din ng buhay kalaunan.

Nakakulong ngayon sa MPD ang suspek habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya. (ARSENIO TAN)