November 3, 2024

KARNAPER TIMBOG SA BULACAN

DAHIL sa isinagawang follow up operation ng mga tauhan ng Manila Police District, nasukol ang isang kaanib ng ” Bahala na Gang”  makaraang tangayin ang isang motorsiklo na pag aari ng isang 41-anyos na Graphic Artist sa Manila at matunton ito sa Norzagaray Bulacan umaga nitong Martes.

Nakilala ang suspek na si Carl Ashly  Caramancion y De Duzman , ng 1749 Recto Avenue Brgy.310 Sta.Cruz, Manila.

Nag ugat sa pagkakaaresto ni Caramancion , makaraang dumulog sa tanggapan ni PLt.Col. Jonathan Villamor, Commander ng MPD- Sta Cruz Police Station 3, ang isang complainant na si Abdulimar Jaafar , 41 anyos, may asawa , residente ng  LRC Compound brgy 310 Sta.Cruz, Manila 

Ayon kay Jaafar , nitong nakaraang Hulyo 17 , 2022 , bandang 2:00 ng hapon , nang mawalang parang bula ang kanyang motorsiklong Honda Click na kulay itim/ pula .

At sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya natukoy  si Caramancion na responsable sa  pagtangay ng motorsiklo.

Dahil sa impormante, nalaman ang pinagtataguan ng suspek sa nasabing lalawigan.

Kaya iniutos ni Villamor na puntahan ang lugar sa pangunguna ni PMajor Pidencio Saballo Jr , at ni PLt.Felixberto Tiquil ng District Anti Carnapping Unit( DACU)  at dito na naaresto  si Caramancion.

Nabawi naman sa suspek ang ninakaw na motorsiklo na nagtutugma sa mga dokumento  

Dahil dito nahaharap sa kasong paglabag sa  Republic Act  10883 (New Anti-carnapping Act of 2016) si Caramancion.