
Naging emosyunal si 14X All-Star Karl Malone sa kasal ng kanyang anak na babae. Napaiyak ang dating Utah Jazz at Laker cager nang makitang ihatid sa aisle ang kanyang anak.
Sa isang post ni meganraefilms sa Instagram, makikita si Malone na pinipigilan ang pagluha.
Ang anak niyang ikinasal ay si Karlee Malone (ngayon ay Mrs. Diaz) at ang groom nito ay si Brent Diaz. Si Diaz ay minor league catcher ng Milwaukee Brewers ng Major Baseball League (MBL).
Si Malone, 58 ay isa sa mga best forwards sa history ng NBA. Isa rin siya sa pinakamatikas sa ilalim ng basket. Sa kanyang 19 years sa liga, 18 season siyang naglaro sa Jazz. Isang season naman ang ginugol niya sa Lakers.
Pumalaot siya ng 3 beses sa NBA Finals. Dalawa sa Utah noong 1997-98 kontra Chicago Bulls. Isa naman sa Lakers noong 2004 laban sa Detroit Pistons.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo