Dahil sa hindi na nag-renew ng kontrata si coach Norman Miguel, isang hakbang ang ginawa ng NU Lady Bulldogs.
Kumuha sila ang bagong coach para sa women’s volleyball team. Ito ay sa katauhan ni dating University of the East head coach Karl Dimaculangan.
Si coach Karl ay produkto ng UST at siya ang ika-anim na coach ng NU sa nakalipas na 8 taon.
Kabilang sa naging coach ng NU ay sina Francis Vicente, Dong Dela Cruz, Roger Gorayeb, Babes Castillo at Miguel.
Turan naman ni coach Miguel, personal niyang pasya ang hindi pagre-renew bilang coach sa Lady Bulldogs.
“I’m devoting my full time with our family at home,” ani Miguel.
“This pandemic made me realize so many things, including family.”
Si Miguel ang pumalit sa dating coach ng Lady Bulldogs na si Babes Castillo noong UAAP Season 81.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA