Si Pueto Rican cager, J.J. Varea ay may katangiang taglay na nakabibihag sa mga babae.
Ang buong pangalan niya ay Jose Juan Barea Mora na isinilang noong June 26, 1984 sa Mayaguez, pangwalo sa pinakamalaking siyudad sa Puerto Rico.
Markado siya sa kanyang bilis sa paglalaro at nakabilang sa 2011 NBA Finlas champion ( Dallas Mavericks).
Sabi ng kanyang nanay, may taas siyang 5’10 ¾. Pero, tinuran ng NBA na siya ay may taas na 6 na talampakan.
Bagama’t maliit siya kumpara sa ibang manlalaro, may ipagmamalaking hitsura si Barea. Ang nakagugulat, ginamit niya ang kanyang pagkakuwela upang mapaibig ang mga beauty queens sa kanilang bansa.
Katunayan, mula 2010-2013, nakipagdate si Barea kay Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera at nauwi sa pagiging mag-on nila. Ngunit, nagkahiwalay sila, pero nakaanak rito si Barea ng lalaki na pinangalanang Sebastian.
Pagkatapos nun, nakipagdate siya sa aktes, model at naging Miss Universe Puerto Rico 2011 na si Viviana Ortiz; na kalauna’y naging girlfriend niya. Si Ortiz ay nagtapos lamang sa Top 16 noong 2011 Miss Universe. Pagkalipas ng 3 taon, nagpakasal sila noong August 20, 2016, kung saan ay nagkaroon sila ng anak na babae na Paulina ang pangalan.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK