Pormal nang binuksan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Taguig ang ika-siyam na vaccination hub na matatagpuan sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City.
Ito’y kasunod na rin ng pakikipagtulungan ng Megaworld Inc sa Taguig City Government na gawin bilang karagdagang vaccination center ang Cinema 1 at Cinema 5 ng nasabing mall.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay patuloy sa paghihigpit ng pagpapatupad ng mga health protocols kasabay ng pag rollout ng mga bakuna at paglulunsad ng mga bagong bukas na vaccination center dito sa McKinley Hill, Taguig City.
Una ng binanggit ni Mayor Cayetano na inaasahan nila nitong linggo na makakamit ang 5,000 katao ang mababakunahan kada araw at inaasahan din nila na matatapos ang pagbabakuna sa lahat ng residente ng Taguig sa buwan ng Disyembre.
Dagdag pa ng alkalde posible umanong masimulan sa June 1 ang pagbabakuna sa A4.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna