PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang tatlong bagong pasilidad sa Navotas City Hospital, Barangay Tanza 2 at Barangay North Bay Boulevard South Dagat-Dagatan.
Pinangunahan nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco kasama ang city council ang pagbabasbas ng siyam na private bed wards, laboratory, blood bank, administrative offices at conference room sa NCH.
“Every year, more and more Navoteños seek medical help. To address this and provide better services, we strive to constantly upgrade and improve our hospital’s equipment and facilities,” ani Mayor Tiangco.
Samantala, tiniyak naman ni Cong. Tiangco na libre ang hospital services para sa Navoteños na mangangailangan.
Nagbukas din ang Navotas ng health center sa NavotaAs Homes 1 at Brgy. Tanza 2 na ika-12 barangay health center sa lungsod.
“When we constructed NavotaAs Homes, we didn’t just intend to provide safe shelter for Navoteños. We wanted them to start a new life, one which allows them to dream big dreams and reach their aspirations. This is why we continue to build facilities that will support their overall progress and development,” paliwanag ni Mayor Tiangco.
Dumalo din si Dr. Aleli Annie Grace Sudiacal, Department of Health Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director sa nasabing okasyon.
Bukod dito, pinasinayaan rin ng Navotas ang molecular laboratory nito sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan na unang inilaan sa pangangailangan ng lungsod sa COVID-19 testing. Dagdag pa ni Mayor Tiangco, palalawakin pa ang pasilidad upang makapaghatid ng iba pang diagnostic tests at serbisyo sa lungsod.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW