December 25, 2024

KARAGDAGANG COVID VACCINE STORAGE HUB IMINUNGKAHI NG ISRAEL MEDICAL EXPERT

Ibinahagi ng tatlong Israel Medical expert ang kanilang kasanayan sa pagdating sa cold chain at logistics system, upang mapabilis ang vaccination lalo na sa pagdating ng mga bakunang Pfizer at Moderna sa bansa.

Iminungkahi ng deligado mula sa ministry of health ng Israel ang karagdagang storage hub na paglalagakan ng mga bakuna na tugma sa temperatura ng Covid-19 vaccine lalo’t inaasahang milyong-milyong mga bakuna ang dadating sa bansa susunod na mga araw.

Mapapabilis din umano ang paghahatid ng mga bakuna sa mga vaccination hub sa Metro Manila.

Nabatid na ang Israeli delegation na binubuo nina Dr. Adam Segal, logistics and operations manager of Salomon Levid and Elsein Ltd., Dr. Dafna Segol, consultant of Healthcare Policy and innovation at Dr. Avi Ben Zaken, deputy director general of the Ichilov Medical Center, ay nagtungo dito sa bansa para sa kanilang medical mission na susuporta at tutulong sa vaccination program ng gobyerno.

iminungkahi din ng medical expert sa kanilang mga local counterparts na magtayo ng mga centralized hubs for vaccine storage na magsisilbing imbakan at maghahatid ng mga bakuna sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa.

Samantala, sinabi ni Cayetano may 70,000 na mga senior citizen ang lungsod ng Taguig at 40,000 dito ay vaccinated na.

Sa susunod na linggo ay gagawin ng Taguig na i-priority ang mga senior citizen kung saan target ang 1,000 kada araw ang kanilang babakunahan sa mga vaccination site.