Kung sa Cignal/ TV5 ipalalabas next season ang UAAP, may ibang option naman ang NCAA para sa season 96.
Ayon sa sources, napipisil umano ng liga ang GMA 7. Ayon sa league insider, pinag-iisipan ng liga na pumunta sa Kapuso.
“Sa Siyete puwede silang maging pioneer ng pagbabalik ng sports dun, pero kung sa Singko naman, alam nating may gamit na sila.”
Bilang link dito, lumabas sa artikulo mula sa pitak ni Bill Velasco sa Philippine Star, naihayag na balak ng GMA na bumalik sa sports.
Huling na-engaged ang Kapuso sa sporting programs noong 2016. Naipalabas sa News TV ang V-League at boxing programs. Ngunit, delayed telecast. Kaya, inayawan nila.
Ayon pa sa source, magde-desisyon ang NCAA ngayong linggo. ‘Yan ay kung alin sa TV5 o GMA-7 ang pipiliin nila.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!