January 25, 2025

Kapatid ni Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo na si Alexis, maglalaro sa Spanish league

ATHENS (AFP) – Kung ang kanyang mga kapatid ay naglalaro sa NBA, mas pinili naman ni Alexis Antetokounmpo na maglaro sa Spanish league.

Bagama’t pangarap ring makapaglaro sa NBA, pumayag si Alexis, 19-anyos na maglaro sa Spanish club Murcia.

Ang kaka-19-anyos lang na si Alexis ay nakababatang kapatid ni NBA MVP Giannis Antetokounmpo. Si Giannis at ang kapatid pa niyang si Thanasis ay naglalaro sa Milwaukee Bucks. Si Kostas naman ay naglalaro sa Los Angeles Lakers.

Either me or Kostas as we are the youngest, aniya

I talked to my family and they agreed it was the right choice to play in the Spanish league.”

I decided to play in Europe as I believe that this will give me the opportunity to feel earlier the pressure of professional basketball, compete with older and more experienced basketball opponents.”

 “And most importantly learn and gain knowledge from the European basketball which, I believe, will help me into my next career steps.”

Ayon pa kay Alexis, nagpakita ng interes sa kanya ang Murcia. Kaya, natuwa siya. Naniniwala rin siya na mahahasa ang kanyang talent sa paglalaro ng basketball. Maganda aniyang stepping stone ito bago siya lumusong sa NBA.

Pinayuhan din siya ni Giannis tungkol sa kanyang desisyon.

I started playing basketball at the age of 10. My older brothers have been a great influence on me regarding basketball and sports in general,” aniAlexis sa panayam ng OPAP Champions program.