Maituturing nang super team ang San Miguel Beermen sakaling pumalaot dito si CJ Perez.
Kaya naman, may ilang fans ang nag-react sa nasabing ongoing ‘big trade’ sa pagitan ng San Miguel at Terrafirma.
Kaugnay dito, nauunawaan ni Terrafirma Governor Bobby Rosales ang opinion ng fans. Ito’y kaugnay sa desisyon na ilatag sa trade ang rising star center.
“That’s understandable, napapatunayan lang natin kung gaano ka-passionate ang Pilipino sa basketball.”
“Mahal nila ang basketball, but samin we look at it positively,” ani Rosales.
“Sa amin we respect their opinion… parati tayo magkakaron ng deperensya, and there will always be two sides to any issue.”
“Paki-usap lang namin, ang appeal sa lahat… I mean it is legitimate trade. Huwag na lang sana lagyan ng kulay or slant or anggulo sa istorya.”
“Nai-present na namin trade proposal, their will be a process, so let the process work,” dagdag nito.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2