ARESTADO ng pulisya si Kapa-Community Ministry International founder Joel Apolinario habanag napatay naman ang kanyang dalawang kasama sa nangyaring engkwentro sa Surigao del Sur.
Ayon sa ulat ng Provincial Police Office, nadakip si Apolinario at 23 iba pa sa isang isolated resort sa Sitio Dahican, Barangay Handamayan sa bayan ng Lingig dakong alas-7:30 ng umaga.
Magsisilbi sana ng warrant of arrest at search warrant ang mga pulis pero nauwi ito sa engkwentro na ikinamatay ng dalawang tao ni Apolinario.
Nabatid na nakumpiska rin ang ilang matataas na kalibre ng armas katulad ng 30 units M16 rifle, 2 units M4 rifle, 1 unit garand rifle, 3 units 60 caliber machine gun, 1 unit 50 caliber sniper rifle, 3 units caliber .22 rifle, 1 unit carbine, 1 unit shotgun, 2 units RPG, 5 units caliber .45 pistol at assorted ammunitions.”
Si Apolinario at ang iba pang incorporators at opisyales ng KAPA ay ipinapaaresto dahil sa syndicate estafa, na walang kaukulang piyansa. Inilabas ng Bislig City Regional Trial Court Branch 29 warrant of arrest laban sa kanila nito lamang taon.
Ang Kabus Padatoon [pagsasalin: gawing mayaman ang mahirap] o ang KAPA ay sinasabing isang relihiyosong grupo na nagrerekrut ng mga miyembro na hinihingan nila ng donasyon para sa organisasyon kapalit ng pangakong 30 percent na monthly return – tinatawag na “love gifts” o “monthly blessings” – na panghabang buhay.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda