Sa gitna ng pandemya, hindi nakalimutan ni Kap. Martell Soledad ang ating mga kababayan sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City.
Kaya naman namahagi ng ayuda si Kap Soledad kasama si Ex-O Ugto Ignacio sa 14,000 pamilya ng nasabing barangay.
Kabilang sa kanilang ipinamigay na food packs ay may lamang limang kilong bigas at isang kilong spaghetti.
Bukod pa riyan, ay namahagi rin sila ng isang box na face mask sa bawat pamilya.
Sinabi ni Kap. Soledad, sinimulan nila ang pamimigay ng food packs noong Enero 22 hanggang 25.
Personal nilang iniabot ang ayuda sa bawat pamilya na pumila sa labas ng barangay.
Tiniyak nila na nasunod ang health and safety protocols habang ipinamimigay ang ayuda.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA