Binatikos ng kampo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si presidential bet Vice President Leni Robredo dahil sa diumano’y ginagawa nitong panlilito sa mga tao.
Ito’y sa gitna ng isyu tungkol sa diumano’y ipinapakalat na pekeng video ni Aika Robredo sa internet.
Sa kanilang pahayag, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos na hindi na nila kailangan pang siraan ang kanilang mga kandidato dahil mataas naman ang nakukuha nilang rating sa mga survey.
“Presidential frontrunner Bongbong Marcos’ net trust rating of 53% provides us with the motivation to continue with our positive way of campaigning.” ani Rodriguez.
Naniniwala si Rodriguez na sila Robredo lamang ang patuloy na nagpapakalat ng kasinungalingan at hiniling nila na tigilan na ng oposisyon ang ginagawa nila lalo na’t Holy Week.
“Mrs. Robredo and her yellow crew can no longer deceive the Filipino people as we have all been awaken from their propaganda of lies, falsehood and politics of deception. In the spirit of lent, I admonish you not to pass on to us your brand of fake, hateful, negative and gutter politics.” ani Rodriguez.
“Presidential frontrunner Bongbong Marcos has based his campaign solely on his call for unity anchored on the strengths and merits of his vision and platform for the future of our country, especially the youth that has resonated throughout the land and we shall keep it that way until the very end.” dagdag niya pa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA