‘Respetuhin ang imbestigasyon.’
Ito ang hinimok sa publiko ng kampo ng GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, matapos maghain ng reklamo si Sandro Muhlach.
Ayon sa legal counsel nina Nones at Cruz na si Atty, Maggie Abraham-Garduque sa netizens, iwasan ang pagpo-post ng walang basehan at maling alegasyon.
“Our clients are deeply saddened by the serious allegations hurled against them circulating on social media,” ayon sa naturang abogado.
“And though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint,” dagdag pa niya.
“We urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial,” apela pa niya.
Hindi pa nagsasalita si Sandro tungkol sa pangyayari habang isinusulat ang balitang ito, bagaman ishinare ng young actor ang naunang statement ng Kapuso network sa kanyang Instagram Stories.
Samantala, ayon sa ama ni Sandro na si dating child star Niño Muhlach na pinayuhan sila ng kanilang legal team na huwag magbigay ng statement hanggang hindi pa naisasampa ang kaso.
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON