
NAGPAMALAS ng impresibong kampanya si POCARI Sweat-backed Arlan Arbois, Jr. sa prestihiyosong Tokyo Marathon nitong Linggo.
Ang 24-anyos 2023 Cambodia Southeast Asian Games silver medalist ay nagtala ng dalawang oras, 24 minuto, at 24 segundo upang angkinin ang ika-125 sa 38,000 kalahok sa 42.195 kilometrong karera, na itinuturing na ikapitong pinakamahirap na marathon sa mundo.
Nalampasan ng tauhan ng Philippine Army ang kanyang dating personal best na 2:26.38 nna naitala sa isang local event noong Disyembre.
Ikinalugod ni Otsuka Pharmaceutical Co., Ltd Philippines President at Managing Director Ken Saito ang matikas na kampanya ni Arbois, gayundin ang ikba pang mga miyembro ng Philippine Team na lumahok sa tournament.
Bilang opisyal na kasangga ng Tokyo Marathon 2025, ang Otsuka Pharmaceutical Co. Ltd ay nakipag-ugnayan sa Philippine Track and Field Association (Patafa) upang masuportahan ang biyahe ng mga Filipino marathoners. (DANNY SIMON)
More Stories
DELA ROSA SA PNP: SA HALIP MAKISAWSAW SA PULITIKA, PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING TUTUKAN
PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO
ROQUE, MAHARLIKA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA POLVORON VIDEO