
Magsisimula na ngayong Martes, Pebrero 11, 2025 ang campaign period para sa 2025 National and Local Elections.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang campaign period para sa mga naghahangad makakuha ng national positions, kabilang ang mga senador at partylist group ay magsisimula ngayong Pebrero 11 habang ang mga tumatakbo para sa national elections, ang magsisimula ang pangangampanya sa Marso 28 kabilang ang mga tumatakbo sa Kongreso, provincial, city at municipal posts.
Sinabi ni Comelec Chair George Erwin Garcia na ang panahon ng kampanya ay hanggang Mayo 10 o dalawang araw bago ang araw ng halalan sa Mayo 12.
Pinapaalalahanan ni Garcia ang mga kandidato na ipinagbabawal ang pangangampanya tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo, o sa Abril 17 at 18.
Ayon pa sa poll body chair, kailangan ding sundin ng mga kandidato ang mga patakaran at regulasyon na namamahala sa kampanya upang maiwasan ang mga parusa at posibleng diskwalipikasyon. ARSENIO TAN
More Stories
Villar Sinimulan ang Kanyang Congressional Bid sa Pamamagitan ng Misa
2 HVIs drug suspects, tiklo sa P1.3M shabu sa Caloocan
Sulong sa panibagong Las Piñas!