
Natapos ang kampanya ng Pilipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup.
Ito ay matapos na talunin sila ng Australia 2-1 sa qualifiers sa laro na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.
Mayroon silang kabuuang dalawang panalo, isang draw at isang talo sa pitong puntos sa Group C.
Nanguna sa grupo ang Australia na naipanalo ang lahat ng apat na laro.
Tanging si Halle Smit ang nakapagtala ng puntos sa Pilipinas habang sa Australia ay sina Daisy Arrowsmith at Jessica Au.
Hihintayin pa ng Pilipinas ang ibang mga resulta para malaman kung sila ay aabanse sa actual tournament na gaganapin sa China sa Mayo. (RON TOLENTINO)
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN