November 3, 2024

Kamaynilaan at karatig pook, nagulat sa mala-Ondoy na senaryo ng pagbaha

Bagama’t nakaalis na ang bagyong Ulysses sa bansa, inaasahang lalala pa ang baha sa ilang pook sa Kamaynilaan at karatig pook nito.

Kahit na mahina ang ulan dulot ng bagyo, halos magdamag naman itong bumuhos kasabay ng malakas na bugso ng hangin.

Kung kaya, nagulat ang mga tao sa mala-Ondoy na senaryo ng baha. Ang isa sa malaking sanhi nito ayon kay Assistant Secretary Casiano Monilla, Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Operations; ay ang pagpapakawala ng tubig ng mga dam.

Umapaw ang ilang dam dahil sa ulan dulog ng bagyo. Kung kaya, ang ilang residente ay lumikas na sa mga pook na malapit sa dam.

Kaugnay dito, humingi na aniya ng tulong ang OCD sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa gayun ay makapagpadala ng karagdagang pwersa mula sa mga ibang rehiyon papunta sa mga lugar na dinaanan ng Ulysses; upang tumulong sa evacuation, relief, and rescue operations.