HINILING ng opisyal ng Kamara sa Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hulihin ang mga driver na may ‘8’ na plaka.
“The House of Representatives has not released or authorized the use of official plates for vehicles of House members,” sabi ni Secretary General Reginald Velasco sa kalatas sa media.
“I am seeking representation with the LTO and the MMDA to apprehend the drivers of vehicles bearing 8 plates and confiscate the expired or spurious plates,” dagdag pa ni Velasco.
Ang panawagan ay bunsod ng naganap sa Edsa bus lane kung saan hinuli ng MMDA ang convoy.
Sinabi ng enforcer na si Senador Bong Revilla ang sakay ng isa sa mga sasakyan kaya’t pinagbigyan ito.
Itinanggi ni Revilla ang akusasyon. Humingi naman ng paumahin ang MMDA sa insidente.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY