December 23, 2024

‘KALINGA SA MAYNILA’ SERVICE FAIR PUPUNTA SA PORT AREA

INANUNSIYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang “Kalinga sa Maynila” service fair ngayong linggo ay gaganapin sa Miyerkules, Nobyembre 13, 2024 sa Port Area.

Ang nasabing aktibidad, ayon kay Lacuna, ay regular na maglilibot sa mga barangay upang ipagkaloob ng libreng serbisyo ng direkta sa mga residente para hindi na gumastos pa ng pamasahe papuntang Manila City Hall upang makuha ang mga serbisyo na kanilang kinakailangan.

Ngayon Miyerkules ang service fair ay gagawin sa Barangay 650 sa District 5, Railroad Drive, Port Area, Manila mula 2 pm hanggang 5 p.m.

Matatandaan na nang maging alkalde si Lacuna, sinimulan niya ang kanyang lingguhang “Kalinga sa Maynila,” isang fora para sa mga residente kung saan maaari nilang isatinig ang lahat ng kanilang katanungan, saloobin, reklamo nang direkta sa atensyon ng mga city officials na dinala ni Lacuna.

Sa tuwing may ‘ugnayan,’ naglalagay ng stalls sa labas ng ‘Kalinga’ venue para magbigay ng pangunahing serbisyo na ibinibigay ng lahat ng mga mahahalagang departamento, kagawaran at tanggapan ng lungsod na siyang dahilan kung bakit nagpupunta ang mga tao sa City Hall.

Ang “Kalinga sa Maynila” service caravan sa Port Area ay magkakaloob ng pangunahing libreng serbisyo na ipinagkakaloob tuwing may lingguhang ugnayan sa mga barangay.

Kabilang sa libreng serbisyo na ito ay ang mga sumusunod: free services include medical consultation, Philhealth profiling, free medicines, blood typing, FBS (fasting blood sugar) and electro-cardiogram or ECG ang lahat ng ito ay ipagkakaloob ng Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Poks Pangan.

Ang social welfare department ng lungsod sa ilalim ni Re Fugoso ay magkakaloob ng provide ID application para sa solo parents, persons with disability (PWDs) at minors with disability (MWDs), pati na rin ng replacement ng IDs at booklet renewal.

Sinabi ni Office of Senior Citizens’ Affairs head Elinor Jacinto na mag-a-assist ang OSCA sa mga senior citizens sa kanilang payout inquiries, application at replacement bf IDs at booklets habang ang Civil Registry sa ilalim ni Encar Ocampo ay mag-a-assist sa lahat ng may tanong sa kanikang birth, marriage at death certificates.

Magkakaroon din ang Public Employment Service Office (PESO) sa ilalim ni Fernan Bermejo ng job fair kung saan pwedeng mag-apply ang senior citizens at PWDs. Samantala ang Veterinary Inspection Board ay magbibigay rin ng libreng pet consultation, rabies vaccination at deworming. ARSENIO TAN