January 23, 2025

KALIGTASAN NG MGA MANLALARO TINIYAK NG DEPED AT MARIKINA LGU (Sa Palarong Pambansa)

Photo courtesy: Marikina PIO/FB

Tiniyak ng Department of Education na ligtas ang mga manlalarong kalahok sa Palarong Pambansa 2023 na idinaraos sa Lungsod ng Marikina.

Bagaman hindi maiwasan ang ilang insidente, sinabi ni  DepEd Assistant Secretary for Operations, Palarong Pambansa 2023 Secretary General Francis Cesar B. Bringas, na maayos na natutugunan ng medical teams na naka-deploy sa venue ng bawat sports event.

Bukod sa medical teams ng mga duktor at narses, sinabi ni Bringas na may sarili ring medical team ang bawat delegasyon

Sinabi ni Bringas na mismong mga duktor ng mga delegasyon ang nagpapasya sakaling magkaruon ng injury ang isang manlalaro.

Nabatid na isang player ng boxing ang na-knock out kaninang umaga, at ayon kay Bringas ang naturang manlalaro ay nabigyan na ng sapat na medical attention.

BĂ­nanggit din ni Bringas na may ilang manlalaro rin ang dinala sa mga ospital sa Lungsod ng Marikina na kapartner ng Palarong Pambansa ngunit ilan lamang aniya ito.

BĂ­nanggit din ng DepEd Official na palagiang nag-a-update sa kanya si Marikina City Mayor Marcy Teodoro patungkol sa kalagayan ng mga atleta.

Samantala, sa pinakahuling tally of medals, sinabi ni Bringas na nangunguna ang National Capital Region, sumunod ang Region XI at pangatlo ang Region IV-A na may apat na gold.

Ang Palarong Pambansa 2023 ay nagsimula kahapon na tatagal hanggang Agosto 5, 2023.