December 25, 2024

KALIDAD NG TUBIG SA 9  LUGAR SA PUERTO GALERA, PASADO SA DENR AT DOH

INILABAS na ng DOH at DENR ang   resulta ng water quality testing sa tatlumpu’t limang (35) sampling station sa munisipalidad ng Puerto Galera.

Batay sa pagsusuri, siyam na lugar lamang ang nakapasa sa pamantayan na tinakda ng DENR.

Kabilang sa 9 na lugar ang Maliit na Lalaguna at Malaking Lalaguna Shoreline, Balete, Central Sabang Shoreline, Coco Beach, Batangas Channel, Paniquian, Balatero at West San Isidro Bay.

Kaugnay nito pinag-iingat ng DOH ang mga residente na mag-ingat sa inuming tubig na hindi dapat nagtataglay ng contaminants na lampas sa mga pamantayan dahil nagdudulot ng mga potensyal na panganib sa kalusugan.

Ayon pa sa DOH ang pagkakalantad  sa mga oil at grease contaminant ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit sa balat tulad ng mga pantal at paltos.

Ang mga langis at grasa ay maaari ring humantong sa mga sakit sa paghinga habang ang paglunok nito ay magdudulot ng mga gastrointestinal irritation na maaaring lumala at mauwi sa pananakit ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, at pagdudumi.

Pinapayuhan din ang publiko na iwasan ang pagkonsumo ng mga kontaminadong isda, shellfish, at iba pang produktong seafood