November 24, 2024

KALEI MAU, PAPALO BILANG IMPORT SA VOLLEYBALL LEAGUE SA PUERTO RICO

Tutulak si Kalei Mau patungo sa Puerto Rico bago bumalik sa bansa para sa upcoming PVL Open Conference.

Lumagda kasi ang 6-foot-1 Fil-Hawaiian volleybelle sa Changos de Naranjito sa Liga de Voleibol Superior Femenio.

Lalaro siya bilang import ng team.

Ang nasabing team ay nagtapos ng second place sa 2020 edition ng LVSF.

“To all my Filipino supporters, Salamat sa lahat for your constant love and support. I want you to hear it from me first that I will be playing abroad for a 2.5 month season.”

“I plan to return to the Philippines after this quick stint to compete in the PVL with my team F2 Logistics,” tweet ni Mau.

Dahil sa oportunidad sa Puerto Rico, hindi makapagta-tryout ang 26-anyos na volleybelle sa Philippine Volleyball Federation.

Si Mau ay 2019 PSL All Filipino Conference Best Scorer at MVP.

 “With that being said, I will not be able to attend the National Team tryouts this week due to travel restrictions and safety risks. But my dream to play for the Philippine flag has and will not change.”

Pabalik na sana ng bansa si Mau ngayong buwan. Ngunit, naantala dahil sa ipinatutupad na travel restrictions. Dahilan kaya hirap siyang makabalik agad.