December 26, 2024

KALAYAAN COLLEGE ISASARA DAHIL SA PANDEMYA

Nag-anunsiyo nitong araw ang Kalayaan College na nasa Quezon City upang ipaalam ang tuluyan na rin nilang pagsasara.

Sa abiso ng naturang kolehiyo ipinaabot nila ang kadahilanan ng pagtigil na ng operasyon ay bunsod ng patuloy umanong kalugian na pinatindi pa ng pandemya.

Ang naturang kolehiyo ay una na ring itinatag noong taong 2000 ng mga University of the Philippines (UP) professors, kabilang na si dating UP President Jose Abueva.

Binuo ang institusyon para magbigay ng dekalidad na tertiary education doon sa mga estudyante na hindi nakapasa sa UP admission exams.

Batay sa memorandum of agreement sa UP Diliman campus, ang mga faculty ng Kalayaan College ay binubuo ng mga UP professors at teachers.

Sa paliwanag ng kolehiyo, labis umano ang kanilang kalungkutan sa hakbang at wala na silang iba pang options kundi ipasara ang eskwelahan.

Ang Board of Directors ng Kalayaan College Inc. ay nagdesisyon na tapusin na ang kanilang operasyon dahil sa patuloy na financial losses dala na rin daw ng pagkonti ng mga popolasyon ng mga estudyante dahil sa krisis.

Magiging pinal na ang pagsasara ng Kalayaan College kung pormal na itong maratipikahan ng majority ng mga stockholders.

Nasabihan na rin daw ang Commission on Higher Education (CHED) sa kanilang desisyon na magsasara na sila.

Ang Kalayaan College na nasa ika-22 taon na rin ngayon ay merong mga kurso na bachelor’s degree programs sa four divisions: science and information technology, humanities and communication, business administration and social sciences.

Samantala, tiniyak naman ng kolehiyo na meron pa rin silang offer na limitado sa general education at major courses sa senior level students para makompleto ang kanilang degree programs. Ito ay online simula sa August 2022.

Papayagan din nila ang mga senior students na mag-cross register sa ibang mga schools.

Gayundin ang mabilisang pagproseso sa mga academic records ng mga estudyante at ang pag-asiste sa mga natitirang estudyante na maisaayos ang mga academic records.

“With heartfelt feelings and faced with no other options, the Board of Directors of Kalayaan College Inc. has decided to end the operations of Kalayaan College due to continuing financial losses brought about by declining student population and exacerbated by challenges caused by the ongoing pandemic,” bahagi pa ng advisory sa Facebook page na pinirmahan ni President Oliva Domingo. “The Board apologizes for this short notice and extends its gratitude to all students and parents who put their trust in Kalayaan College. We take this opportunity to thank our faculty and staff for their dedicated service.”

Kung maalala noong taong 2020 ang century-old College of the Holy Spirit Manila ay nagsara rin ng kanilang operasyon na sinundan ng Catholic school na St. Joseph College of Bulacan dahil pa rin sa epekto ng krisis sa pandemya.