December 26, 2024

KALAKASAN NG TIYANGGE SA TAYTAY, INALALA NI EX-MAYOR JORIC GACULA

MALAKI ang naitulong sa pag-unlad ng Taytay, Rizal ang tiyangge noong panahon ni dating Taytay Mayor Joric Gacula.

Kaya naman hindi maiwasan ng dating alkalde na alalahanin ang kalakasan ng tiyangge sa Taytay na sentro ng kalakalan sa buong Rizal lalo na bilang textile capital ng bansa.

Aniya, organisado pa noon at talagang dinudumog ang nasabing tiyangge dahil sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga vendor.

Sa panahon ng panunungkulan ni Mayor Gacula, prayoridad nito ang kaayusan at pagkakaisa ng lokal ng lokal na pamahalaan ng Taytay at mga negosyante na namumuhunan sa mga tiyangge.

Ayon kay Gacula, nabibigyan niya ng agarang solusyon ang  mga problemang kinakaharap ng mga namumuhunan sa tiyangge sa Taytay, dahilan upang dumugin at dayuin ng mga mamimili mula sa ibat-ibang bayan at lungsod sa bansa ang tiyangge sa Taytay.