ISA na namang Yulo ang namamayagpag at humahataw ng panalo at isentibo. Si Karl Eldrew Yulo, nakababatang kapatid ni Paris Olympics 2024 double gold medalist Carlos ay nakapag-uwi ng 4 na gintong medalya mula sa kanyang pakikipagtunggali sa nagtapos kamakailang 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championship sa Thailand.
Bunga nito at tumanggap si Eldrew ng insentibo mula kay business magnate, pilantropo at politicial icon Chavit Singson na tumataginting na pisong half million.
Nakamit ng 16-anyos na batang Yulo ang mga ginto sa junior all-around event, floor exercise, still rings at vault sa naturang kaganapan sa Thailand habang may 2 silver siya sa parallel bar at team all around event
“Deserve siya (Eldrew) sa insentibo for showing hardwork and determination to become the country’s next gymnastics sensation, pahayag ni Singson na una dito ay nakapagbigay na siya ng maagang pamaskong handog sa pamilyang Yulo upang maging tulay sa pagkakasundo nila Carlos at kaànak nito.
“Dapat lang magkasundo na para everybody hàppy,” ani pa Senatoriable Chavit Singson. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA