September 19, 2024

KAKAI BAUTISTA MATAPOS MAKAREKOBER SA COVID-19: IT’S NOT A JOKE

TULUYAN nang gumaling ang komedyante at aktres na si Kakai Bautista matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa kanyang Instagram post noong Biyernes, Setyembre 11, ibinahagi nito na siya ay asymptomatic, at negatibo na rin ang lumabas na resulta sa kanyang COVID-19 testing.

GUYSH, COVID is not a Joke. OO, sakit siya, virus siya. Pero mas PARANG ikakamatay mo ang FEAR and ANXIETY ‘pag nagkaroon ka,” ayon sa caption ng kanyang post, kung saan ipinalangin at isinuko na niya ang lahat sa Panginoon.

“And I was OK. Nagpaka-normal ako, dahil alam kong mas magkakasakit ako kapag HINDI ako umayos sa isip at sa gawa (I acted normal because I knew I’d just get more sick if I didn’t keep it together in my mind and my actions),” aniya.

Sa isa pang Instagram post noong Sabado, Setyembre 12, ibinahagi rin ni Kakai sa kanyang vlog ang naging karanasan sa COVID-19 na hindi biro ang nasabing virus dahil magiging kalaban mo ang takot at pagkabahala.

Sa kanyang post, pinayuhan niya ang mga social media follower na ipagdasal na lamang ang mga dinapuan ng sakit upang tuluyan nang gumaling.