Tayong lahat ay natitisod nang maraming ulit,” ang sabi ng Bibliya sa Santiago 3:2. Makaiisip tayo ng maraming pagkakataon.
Kung saan hindi natin naipamalas ang uri ng pagkatao na siyang hinihimok sa atin ng Salita ng Diyos na taglayin. Kaya kinikilala natin na tama ang Bibliya nang sabihin nito:
“Makinig ka sa payo at tumanggap ka ng disiplina, upang maging marunong ka sa iyong kinabukasan.” (Kawikaan 19:20) Walang alinlangan na nakagawa na tayo ng mga pagbabago sa ating buhay upang maiayon ito sa mga turo ng Bibliya. Ngunit paano tayo tumutugon kapag pinapayuhan tayo ng isang kapuwa Kristiyano hinggil sa isang espesipikong bagay?
Ano ang dapat nating gawin kapag nakatanggap tayo ng personal na payo?
Ang ilan ay tumutugon sa pamamagitan ng pagsisikap na bigyang-matuwid ang sarili, pagaanin ang kalubhaan ng situwasyon, o ibaling ang sisi sa iba. Ngunit mas mabuti na makinig sa payo at ikapit ito. (Hebreo 12:11).
Sabihin pa, sinuman ay hindi dapat umasa ng kasakdalan sa iba, ni dapat na lagi siyang magpayo tungkol sa di-mahahalagang bagay o sa mga bagay na ipinauubaya ng Bibliya sa personal na pagpapasiya. Bukod dito, marahil ay hindi naisaalang-alang ng isa na nagpapayo ang lahat ng tunay na pangyayari, at ang mga ito ay maaaring itawag-pansin sa kaniya sa magalang na paraan. Ngunit sa sumusunod na pagtalakay, ipagpalagay natin na angkop at salig sa Bibliya ang ibinigay na payo o disiplina. Paano dapat tumugon ang isa?
Mga Halimbawa na Dapat Nating Isaalang-alang
Ano ang nilalaman ng Bibliya na makatutulong sa atin upang magkaroon ng tamang pangmalas sa payo at disiplina? Paano tumugon si Haring Saul sa payo, at ano ang resulta?
Ang Salita ng Diyos ay naglalaman ng tunay na mga karanasan ng mga indibiduwal na tumanggap ng kinakailangang payo. Kung minsan, ang payo ay may kalakip na disiplina. Ang isa sa gayong indibiduwal ay si Haring Saul ng Israel. Hindi niya sinunod si Yahweh may kinalaman sa bansang Amalek.
Sinalansang ng mga Amalekita ang mga lingkod ng Diyos, at ang banal na hatol ni Yahweh ay na walang ititirang buháy sa mga Amalekita o sa kanilang mga hayupan. Ngunit pinanatiling buháy ni Haring Saul ang kanilang hari at ang pinakamaiinam sa kanilang mga hayop.—1 Samuel 15:1-11.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!