
Sino nga ba ang walang kwentang opisyal ng PNP na nakatalaga ngayon bilang Provincial Director ng lalawigan ng Pangasinan? Sa totoo lang, hindi na mahalaga ang kanyang pangalan. Ang mas mahalagang tanong: bakit patuloy ang bulok na pamamalakad sa ilalim ng kanyang liderato habang namamayagpag ang iligal na sugal sa bawat sulok ng lalawigan?
Sunod-sunod ang reklamong natatanggap laban sa mga puwestong may color games at drop ball — simpleng sugal lupa pero ginagawang negosyo ng ilang ganid na opisyal ng kapulisan at bulok na pulitiko. Mula MANGALDAN hanggang SISON, mula DAGUPAN hanggang SAN CARLOS, nag-uumapaw sa pera ang mga iligal na operasyon habang ang mga mamamayan ay patuloy na nabubulsa, niloloko, at nilulustay.
Ano ang ginagawa ng provincial director? WALA. Tahimik. Walang aksyon. Walang direksyon. Para bang may “kabig sa kaliwa, silip sa kanan” lang ang galawan. Malinaw: inutil kung hindi man kasabwat.
At kung totoo ngang pinapatungan ng ilang mayor at barangay captains ang mga pasugalan, hindi ba’t lalo itong nakakagalit at nakakahiya sa pamahalaang lokal? Ginoong Governor Ramon Guico, ito na po ang panawagan: Walisin ang mga patay-gutom at bayarang opisyal sa ilalim ng inyong pamumuno.
Bago pa man pumasok ang 2025, nakatayo na raw ang mga sugalan. Ngayon ay Mayo na. Limang buwan ng tahimik ang inyong kapulisan — o baka naman masyadong abala sa pamimiga ng payola?
Governor Guico, kung tunay kayong lingkod ng bayan at hindi bahagi ng sindikato, oras na para magpatupad ng malinis na pamumuno. Ipaglaban ninyo ang kapakanan ng inyong kababayan. Huwag ninyong hayaang gawing palengke ng sugal ang inyong lalawigan.
At sa mga buwaya sa PNP: Kapag hindi kayo naglinis ng hanay, tiyak ang pagbagsak n’yo sa mata ng taumbayan. Sa bawat sentimong kinubra n’yo mula sa mahihirap na mananaya, may kapalit kayong kahihiyan at karma.
Pangasinan, gumising ka. Bansa natin ito. Huwag nating hayaang gahasain ng mga patay-gutom at ganid sa kapangyarihan.
***
Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa [email protected]
More Stories
Islay Bomogao todo-handa para sa IFMA World Championships; target ang tagumpay sa Muay Thai sa Turkey
SSS, Pinalawak ang mga Programang Pautang para sa mga Miyembro at Pensyonado
PNP UMATRAS SA KASO VS ALVIN QUE, ANAK NG PINASLANG NA NEGOSYANTE