Malamang na magpa-draft si Kai Sotto sa susunod na NBA Draft ayon sa source. Batay sa taong malapit sa agent ng 7’3 cager, may ilan teams sa NBA ang interesadong makuha si Sotto. Katunayan, sinabihan ang kampo nito na magpa-draft na siya sa 2022 NBA Draft.
Ayon sa agent nito na si Joel Bell, may ilang teams na ang nakaabang sa 19-anyos na basketbolista.
Bagamat naglalaro pa sa NBL sa team na Adelaide 36ers, target na ng mga ito si Kai. Sa taas niya, nakikitaan na ng potensiyal ang teen player.
Maaari aniya itong ma-develop pa kapag nakatuntong na sa NBA. Magdedesisyon aniya si Kai bago mag Abril 24 kung magpapa-draft siya. Ang NBA draft combine ay idaraos sa Mayo 16-22 sa Chicago. Ang opisyal draft naman nito ay sa June 23 sa Brooklyn, New York.
Kung matutuloy, pwede aniya siyang maging 1st o 2nd rounder. Ilan sa teams na maaring umanong interesado sa kanya ay ang San Antonio Spurs. Dahil gusto umano ni Spurs Gregg Popovich ang magdevelop ng big man. Katunayan, nasa Melbourne ang representative ng Spurs upang mang-scout ng players sa NBL. Kabilang rin ang iba pang NBA scouts.
Naghahanap ang Spurs para sa posisyong center para sa team. Kabilang sa pinagpipilian si Sotto at Ariel Hokpurti ng Melbourne United. Si Hokpurti ay isang 7’0 German-Togolese na naglalaro sa NBL.
Nasa radar din ng Lakers si Sotto. Wala pang pormal na pahayag kaugnay dito si Sotto patungkol sa pagsampa niya sa draft.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2