
Out muna sa Gilas Pilipinas si Kai Sotto dahil sa isang commitment. Kung kaya, hindi makalalaro sa Gilas ang 19-year old 7’3 cager.
Nakatakdang maglaro ang Gilas sa dalawang torneo. Una ay ang King Abdullah Cup sa Jordan. Ikawala ay sa FIBA Asia Cup.

Mas pinili muna ni Kai na maglaro sa NBL-Australia sa team Adelaide 36ers. Ipinaalam na ni Sotto ang pasya niyang ito sa Samahang Basketbol ng Pilipinas. Lumagda noong nakaraang Mayo si Sotto sa team.

“We were told that Kai would be fulfilling his commitment with Adelaide,” saad ni SBP Special Assistant Ryan Gregorio.
Samantala, magsisimula naman ang build-up ng Adelaide para sa 2021-22 NBL Season.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo