Nagdeklara na si Kai Sotto na sasalang sa 2022 NBA Draft. Ito’y sa kabila na wala ang kanyang pangalan sa list ng early candidates na inilatag ng NBA. Gayunman, sinabi ng 7-foot-3 center na susubukan niyang sumalang.
“I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray for and support me during my quest to fulfill my ultimate dream,” ani Sotto.
Magaganap ang NBA Draft sa June 23 sa Brooklyn. Nagdesisyon na ang teen cager na rumekta matapos ang stint nito sa National Basketball League sa Australia (NBL).
Labis din siyang nagpasalamat sa kanyang pamilya at fans. Nakatanggap kasi siya ng special awards sa NBL. Hinirang siyang 2021-22 NBL Fans MVP Award.
Makakasama ng Ateneo standout ang ilang NBL players sa Drat. Kabilang na rito si Luke Travers ng Perth Wildcats, Hugo Besson at Ousmane Dieng ng New Zealand Breakers at Tom Digbeu ng Brisbane Bullets. Sina Paolo Banchero naman ng Duke at Chet Holmgren ng Gonzaga ang top prospects sa upcoming draft.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2