Inihayag ng kampo ni teen cager Kai Sotto, na wala pa siyang desisyon kung maglalaro sa NBA Summer League. Ito’y sa kabila na maraming teams ang nag-iimbita sa kanya na maglaro.
“I’ve already got several Summer league invites for him. But Kai has decided to play for the Filipino national team,” ani agent Joel Bell.
Sa halip, lalaro siya sa Gilas Pilipinas. Lalo na’t naghahanda ang national team sa Fiba World Cup qualifiers.
‘That’s his commitment and he’s very dedicated towards Filipino things, Filipino pride, Filipino activities. He’s gonna pass up the Summer league and play with the Philippine national team,”dagdag nito.
Sasabak ang Gilas sa Fiba Asia World Cup third window sa Auckland sa June 30. Susundan naman ito kontra India sa July 3. Bubuslo rin ang Gilas sa Fiba Asia Cup sa July 12-24 sa Indonesia.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!