Hindi pinalad si Kai Sotto na malambat ng alinmang team sa 2022 NBA Rookie Draft. Idinaos ang naturang okasyon sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.
Walang NBA team ang nagbigay ng oportunidad sa 7-foot-3 center. Hindi tinawag ni NBA Commissioner Adam Silver ang pangalan nito. Gayundin ang deputy nito na si Mark Tatum matapos ang 58 picks.
Dahil dito, naibilang si Sotto bilang unrestricted free agent.
“I can’t really explain the feeling but it’s not a good feeling. I really worked hard and did my best to get here,” ani Sotto said sa PlayItRight TV.
“But it’s what happened. God has better plans for me and I won’t stop,” dagdag nito. Sa kabila na hindi na draft, may tsansa pa ang 20-anyos na player na maglaro sa NBA Summer League sa July.
Gayunman, inihayag ng kanyang kampo na hindi sasalang sa NSL ang teen cager.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM