Mukhang hindi na nasisiyahan si Kai Sotto sa Adelaide 36ers. Noong laban ng team kontra SEM Phoenix, hindi siya pinapasahan ng kanyang mga kakampi. Ito’y sa kabila na libre siya o kaya may mismatch down the paint.
Kung kaya, nadismaya ang 7-foot-3 cager sa pagtrato sa kanya ng team. Katunayan, tinatabla nito ang mga kakampi kapag nakikipag-high-five. Hindi niya ito ginagantihan ng gayung ding gesture.
Sa nasabing game, nagtala ang 19-anyos na si Sotto ng 4 points at 5 boards. Kahit nanalo sa laro sa iskor na 100-92, hindi masaya ang baller. Hindi man tuwirang sabihin, makikita sa body language ni ‘Kaiju’ ang frustration’.
"His body language, there is a message. Maybe he was just frustrated with that game even though his team won. He did not capitalize on the opportunity," ani ng isang insider. "He could have helped a lot and maybe they wouldn't have only 8 points to win if he did what he wanted," dagdag pa nito. Wala namang nahalata ang kanyang mga kakampi sa ikinikilos ng Pinoy baller.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!