
Impresibo ang laro ni Kai Sotto sa pagdispatsa ng Adelaide 36ers sa New Zealand, 93-60 sa NBL sa Mystate Bank Arena sa Australia. Naging susi ang 7-foot-3 teen cager sa panalo ng 36ers.
Bumira ang 19-anyos na player ng 12 points, 7 boards at 4 blocks.
Lumagare si Kai sa third quarter kaya nakaungos ang Adelaide. Bumislo naman si Sunday Dech ng 19 points, 7 boqrds at 4 assists. Jabang si Mojave King ay naglista ng 15 points off the bench.
Ito na rin ang huling laro niya sa 2021-22 NBL season. Kung saan nagtapos ang 36ers na may 10-18 record. Katabla ang Brisbane Bullets sa nasabing standings.
Natamo naman ng New Zeland ang 10th straight loss na nagtapos sa 5-23. Kapwa nagtala para sa team sina Chasson Randle at Rasmus Bach ng tig-14 points.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo