Kai Sotto sa NBA, posible bang may magda-draft sa kanya? Inaabangan na nga natin ang gagawing 2022 NBA Draft. Kung saan, inaasahan nating malalambat ng alinmang teams ang teen cager.
Nakikita naman natin na may interes ang ibang team kay Sotto. Katunayan, nagsagawa siya ng workouts sa ilang teams. Kabilang na rito ang New York Knicks, Orlando Magic at Atlanta Hawks. Isama pa ang Chicago Bulls, Sacramento Kings, Indiana Pacers, Cleveland Cavaliers at Los Angeles Clippers.
Kung papalarin, si Kai ang first ever full-blooded Filipino player sa liga. Sa nakikita natin, may interesado talaga sa kanyang teams. Hindi naman siya yayayain sa work-outs kung wala, di ba?
Malalaman natin bukas ang magiging kapalaran ng 7-foot-3 cager. Kung tuloy na ba siya sa NBA o hahasain pa ang talent sa paglalaro ng basketball. Ayon nga sa ilang analyst, maaaring makuha siya sa second round.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA