WALA plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa puwesto sa kabila ng kanyang pagkabigo sa umano’y patuloy na korapsyon sa pamahalaan, ayon sa Malacañang ngayong Martes.
“Mukhang hindi naman po dahil gagamitin nga niya ‘yung natitira niyang dalawang taon para linisin ang gobyerno,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Dagdag pa ni Roque na seryoso ang Pangulo sa kanyang pagpapahayag ng labis na galit sa nangyayaring korapsyon, kung saan kasama ito sa kanyang ipinangako na mababawasan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
“Pikang-pika na po siya sa korapsyon,” aniya.
Lunes ng gabi nang magsalita si Duterte na nais niyang bitawan ang pagiging presidente dahil sa hindi maawat-awat na korapsyon. Gayunman, sinabi ni Duterte na handa siyang humarap sa Kongreso para matalakay paano nila lalabanan ang katiwalian sa gobyerno.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Duterte sa posibleng resignation.
Noong Agosto 2018, inihayag niya rin sa mga opisyal ng militar at pulisya ang kanyang plano na bitawan ang presidency dahil sa walang katapusan na graft at corruption.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA