
KAILANGAN na ni Bea Alonzo na harapin ang trabahong natanguan niya sa Kapuso TV network, kahit medyo iniinda pa rin niya ang hiwalayan isyu tungkol sa kanilang kasal ni Dominic Roque.
“No choice siya dahil trabaho iyon, ayawan man niya ay wala siyang magagawa kung hindi harapin niya ang first shooting day ng kanyang drama series na ‘Widows War.’
“Masaya ho si Bea Alonzo, dahil malaking tulong sa pag-move on ang drama series niyang iyan. Alam n’yo naman si Bea Alonzo, pagdating sa trabaho ay laging pokus siya.
“Hindi niya sinasama ang problema sa kanyang trabaho, kaya ready na siyang harapin ang kamera sa paggiling nito. Parang walang nangyare, kaya happy siya dahil may mapapanood na naman ang kanyang mga fans sa GMA 7 mula sa kanya,” masayang kwento ng aking source.
More Stories
COMELEC sinampolan sina Marcy at Maan Teodoro sa umano’y vote buying sa Marikina
Cardinal Robert Francis Prevost ang bagong Santo Papa
MAGIC 12 SA SENADO DIKDIKAN – SURVEY