HINDI magpapatinag ang mga progresibong grupo sa direktiba ng pamahalaan sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ng Kilusang Magbubukid ng Philipinas, walang halaga ang banta o babala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectiouis Disease (IATF-EID) na pigilan o mapahinto ang malawakang protesta sa Lunes para sa SONA ng Pangulo.
“We are left with no choice but to defy the DILG Memorandum on holding protests in time for Duterte’s SONA. We will proceed as planned with the protests along Commonwealth Ave. DILG and the IATF-EID can be assured, however, that we will observe necessary health protocols and physical distancing during the protests,” ayon kay KMP chairman Danilo Ramos.
Aniya na may kadahilanan ang publiko na magprotesta at ipakita ang galit sa paglala ng malawakang kawalan ng trabaho, kahirapan at kagutuman, at ang mga umano’y krimen ng administrasyong Duterte.
“Ang SONA ay araw ng paniningil. The country and majority of the population are enduring deep poverty and hardship. Duterte, for his part, managed to rechannel billions of public funds to his cronies and bankrupted the domestic economy and government,” ayon kay Ramos.
“The past months under a militarist COVID-19 lockdown brought out the worst in the Duterte government — it shut down ABS-CBN media network and rendered jobless more than 11,000 employees and hastily enacted a new terror law in the midst of a global pandemic. COVID-19 cases are quickly rising to reach the 80,000-mark, further overwhelming hospitals, and fatigued health workers. Duterte must be made accountable for the country’s chaotic situation,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi naman ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes, na ang advisory ng DILG sa local government units ay sinadya upang takutin ang lahat para hindi maipagsigawan ng publiko ang kanilang sentiyemento laban sa pamahalaan.
“Napaka-desperado ng last minute memo na nilabas nila. Paalala. Ang IATF guidelines ay hindi batas. Hindi ito mas mataas sa konstitusyon at hindi dapat gamitin para labagin ang saligang karapatan ng mamamayan,” ayon kay Reyes.
“Kung ang Mananita nga noong June 12 ay hindi nila napigilan, ang #SONAgKAISA pa kaya? At tulad noon, lahat ng dapat na health protocols ay ating ipapatupad – face masks, physical distancing, disinfectants, at pinaikling programa,” dagdag pa niya.
Sinopla rin ni Human Rights Group Karapatan Secretary General Cristina Palabay ang direktiba ng mga opisyales ng gobyerno sa pagbabawal sa mga rally.
Hanep din talaga sa kapal ng mukha ng administrasyong ito – bawal magrally sabi ng memo ni Gen. Eduardo Año at si Debold Sinas (si Mr. Manyanita) pa talaga ang nag-announce!” ayon sa post ni Palabay sa Facebook.
“Alam niyo guys, sa totoo lang, hindi naman magrarally ang mga tao kung wala kayong ginagawang mga kalokohan, na mga kahindik-hindik at karali-rali,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Palabay na talagang paglabag ito sa karapatan sa mapayapang pagpupulong at libreng pagpapahayag.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA