December 24, 2024

Kahalahagan ng wastong nutrisyon ngayong COVID-19 pandemic

Mahalaga ang nutrisyon sa bawat indibidwal, lalo na ang mga kabataan.

Kung kaya, napakahalaga ng tamang pagkain sa ating katawan.

Kapag sapat at wasto ang nutrisyon, malusog ang mga mamamayan.

May kagunayan ito sa kasabihang ‘Health is Wealth’.

Kapag malusog ang mamamayan, nakatutulong ito upang maabot ang minimithi nating kaunlaran.

Kaya, ngayong buwan ng Hulyo, mahalaga ang pagdiriwang ng ‘Nutrition Month’.

Ngaying taon, ipinagdiriwang ang 46th Nutrition Month.

Ano ba ang kahalagahan nito? Ipinaalala nito sa bawat mamamayan ang wastong pagkain.

Kapag wasto ang ating kinakain, malusog tayo at malakas ang resistensiya. Hindi tayo basta-basta madadapuan ng mga sakit.

Ngayong humaharap tayo sa hamon ng COVID-19, sadyang mahalaga ang wastong pagkain.

Kinakailangang malaman ng bawat indibidwal ang tamang diyeta at pagkain batay sa kanilang edad.

Itinuturo sa atin ang kahalagahan ng pagkain ng prutas at gulay. Kaakibat din nito ang disiplina sa katawan.

Iwasan ang mga pagkaing walang gaanong sustansiya, pero mahal.

Sa panahon ngayon ng COVID-19 crisis, may mga murang pagkain na mabibili.

Mura pero, punong-puno ng sutansiya.

Tamang-tama ito dahilkaramihan sa atin ay kinapos dahil sa krisis.

May mga murang masusutansiyang pagkain gaya ng tokwa, monggo, saluyot, alugbati at itlog.

Mura din ang saging, patatas, tuyo, kamote, itlog ng pugo, talong at okra.

Kung may budget naman ang iba sa atin, ugaliing bumili ng gulay at prutas.

Hangga’t maaari, kumain araw-araw ng gulay.

Kaakibat din nito ang ehersisyo at tamang pangangalaga sa katawan.

Mahirap magkasakit ngayong mga panahong ito. Kaya, isa sa salik para makaiwas ay ang tamang nutrisyon.

Higit sa lahat, lagi tayong magtiwala sa Maykapal naingatan Niya tayo bawat sandal.

Idalangin na ilayo Niya tayo sa sakit lalo na ang COVID-19.

Adios Amorsekos.