January 22, 2025

KAHALAGAHAN NG MGA KABABAIHAN SA PAGDIRIWANG NG INTERNATIONAL WOMEN’S MONTH

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y di magmaliw ang hindi nauubos na biyaya ng Maykapal.Ngayong buwan ng Marso ay ipinagdiriwang natin ang ‘Women’s Month’.

Ito’y upang kilalanin ang kahalagahan ng mga kababaihan sa ating lipunan. Opisyal itong ipagdiriwang sa Marso 8.Ito ang pinagtibay ng United Nations noong Marso 8, 1975, na ipagdiwang ang Pandaigdigang pagdiriwang.

Sila ang larawan ng ating mga mahal na ina, guro o anopaman. Kung walang babae, ang mundo natin ay kulang. Di po ba?

Noong unang mga panahon, tila kayliit o mababa ang tingin ng lipunan sa mga kababaihan. Pero, unti-untinang nagbago ang lahat nang sumapit ang ika-20 na siglo.

Pinayagang magtrabaho ang mga babae, bumoto, magkaroon ng ari-arian. Gayundin ang magkaroon ng tungkulin at mataas na posisyon sa lipunan.

Nagkaroon din ng iba ng posisyon sa politika buhat nang mahalal. Kabilang na rito ang bansang India, Myanmar, Pakistan, South Korea at Pilipinas.

Nakita ng masa ang halaga ni nanay, ate at tita. Na sila pala ay mahusay na lider din. Ekonomista, adviser, lawyer, guro at doktor.Gumaan ang pagdadala ng buhay at ng lipunan dahil sa ambag ng mga kababaihan. Ang inaakalang pabigat at walang gaanong magagawa sa bayan ay may mahalaga pa lang ambag.
Mahalin natin at igalang ang mga kababaihan. Dahil sila ang larawan ng ating ina. 

Ganyan kalahaga ang ating mga kababaihan. Viva La Raza.