Maaari nang sumali ang fans sa ikakasang virtual crowd ng PBA simula bukas. Ang innovation na ito ay kagaya ng sa NBA bubble.
Kaya naman, para na ring may live audience na nanonood live game ng PBA 45th season bubble format.
Upang makasali sa virtual fan, magpo-post ang PBA ng registration links sa social media. Sa gayun ay makita ang mga fans sa LED screens sa laro na idinaraos sa Angeles University Foundation Sports and Cultural Center.
Makasasama ang fans sa first-come, first-serve basis. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, may 60 to 80 slots ang available para sa fans kada laro.
Nagtesting ang liga ng virtual crowd setup sapol nang mag-umpisa ang bubble.
Gayunman, mga family members, mag past and present players ang pwedeng manood.Binigyan din ng access ang media members at officials.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2