ARESTADO ang isa umanong miyembro ng “Basag Kotse” matapos biktimahin ang sasakyan ng isang barangay kagawad at tangayin ang nasa P50,000 cash ng biktima sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PLT Robin Santos, hepe ng Valenzuela Police Station Investigation Unit (SIU) ang naarestong suspek na si Robert Leonardo, 58 ng No. 564 Aquarius St., Gremville Subdivision 1, Bagbaguin, Caloocan City.
Sa imbestigasyon nina PSSg Julius Congson at PCpl Julius Bernardo, dakong alas-7:55 ng umaga nang madiskubre ng saksing si Redentor Pepito Ordoño, 48, caretaker, na basag na ang kaliwang bahagi na bintana ng puting Mitsubishi Montero (NEI 8975) na pagmamay-ari ni Jim Agustin Ajero, 47, businessman/ Kagawad ng Barangay Parada at residente ng No. 248 Parada Road, Fortune 5, Parada.
Agad ipinaalam ng saksi sa biktima ang insidente at nang tignan ang loob ng saksakyan ay nadiskubre na nawawala na ang humigi’t-kumulang sa P50,000 cash at assorted IDs na naging dahilan upang humingi sila ng tulong sa pulisya.
Ani PLT Santos, sa pamamamagitan ng nakalap nila na mga CCTV footage ay natunton nila ang dinaanan ng suspek sa kanyang pagtakas kung saan huli itong nakitang naglalakad patungo sa Bagbaguin, Caloocan City.
Sa patuloy na follow-up operation, isa pang saksi ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis hinggil sa kinaruruunan ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-8 ng gabi.
Narekober sa suspek ang isang asul na polo shirt, P280.00 cash, ID ng biktima, flat screw driver, tire wrench, sandisk USB at lighter/flashlight.
Ipipirisinta ang suspek sa pamamagitan ng E-Inquest Proceeding sa Valenzuela City Prosecutors Office para sa kasong Theft (Basag Kotse). (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA