November 2, 2024

Kabuuang P182 milyon aid assistance ng United Nations, EU at ilang mga nasyon sa mga naapektuhan ng bagyo

Tumugon ang mga bansang kasapi sa European Union (EU) sa paglalatag ng ayuda sa mga naapektuhan ng bagyong Rolly (Goni) at Ulysses ( Vamco).

Ito’y bunsod ng panawagan ng United Nations (UN) na tulungan ang 260,000 kababayan natin na apektado ng kalamidad. Kaya naman, susuporta sila sa cash assistance aid.

Kabilang din ng Australia, United States, New Zealand, Germany at Sweden. Sa kabuuan, magbibigay sila ng P182 milyon (US$3.8 milyon).

 “With support from resource partners, the UN and humanitarian community translate international solidarity into concrete actions that combine emergency relief assistance and early recovery efforts to help people get back on their feet,”  ani UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez.

Sa pahayag ng UN kamakalawa, inilatag nito ang sumusunod na aid assistance para makatulong sa ating mga kababayan

Kabilang na rito ang Humanitarian Aid Department of the European Commission (ECHO), P74.5-M (US$1.54-M); Australian Government, P33-M (US$0.7-M) sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP), UN Population Fund (UNFPA) at ng Family Planning Organization of the Philippines (FPOP); Sweden, P67.6-M (US$1.4-M) sa pamamagitan ng Save the Children, ang National Council of Churches in the Philippines (NCCP) at Plan International; and the United States Agency for International Development (USAID) at ang Government of Germany, P7.2-M (US$150,000).

Ang ayuda ay sa pamamagitan ng mga umiiral na programa kasama ang UN Agency on Migration (IOM).

Pinahayag din ng UN na maraming gobyerno ang nagbibigay ng ayuda sa Red Cross at Red Crescent Societies. Kabilang na ang New Zealand na nagbibigay ng kontribusyon na P7.2-M (US$150,000) sa pamamagitan ng International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies.